Naglatag ng mga dapat na gawin sa panahon ng tag-init ang isang eksperto upang maiwasang ma-dehydrate o magkulang ng tubig at maging maayos pa rin ang estado ng katawan.
Kasunod ito ng lumalalang mataas na temperatura na nararanasan sa Pilipinas sa gitna ng panahon ng tag-init.
Sa interview ng RMN Manila kay Joyce Gomez, Registered Nutritionist-Dietitian, sinabi nito na maraming pagkain at inumin ang dapat iwasan upang mapanatiling maganda ang kondisyon ng katawan.
Isa na rito ang pag-iwas at paglimita sa pag-inom ng kape, matatamis na soda at nakakalasing na inumin.
Sa pagkain naman, isa sa mga inirerekomenda ni Gomez ay ang mga matutubig na prutas tulad ng pakwan, pipino at buko.
Pinaiiwasan din ang mga pagkaing mataas ang level ng protein.
Facebook Comments