Pasado kay Albay 2nd District Representative Joel Salceda na sa unang 100 araw ay naging maingat sa pagpapasya at pagtutok si Pangulong Bongbong Marcos Jr., sa pag-angkat ng mga produktong pang-agrikultura, pagbubuwis at pagtugon sa COVID-19 pandemic.
Ayon kay Salceda, matapos ang 1st 100 days ay dapat namang higit na pagtuunan ni PBBM ang reform agenda ng administration sa larangan ng renewable energy at mahigpit na mga patakaran sa offshore gaming lalo na sa pagpapataw ng buwis sa Philippine Offshore and Gaming Operators o POGO.
Binanggit din ni salceda ang mga hakbang para sa transition mula sa pandemya patungo sa endemic stage para unit unti na ring makabalik sa normal ang buhay ng mamamayan at magpatuloy ang kanilang kumpyansa sa ating health institution.
Mahalaga rin para kay Salceda na mapag-ibayo ang kakayahan ng ating ekonomiya na kumita ng dolyar sa pamagitan ng pag-alis sa mga hindi kailangang deployment ban, higit na promosyon sa ating turismo, at pagpapadali ng pagnenegosyo para sa business process outsoursing at export industries.