Mga dati at kasalukuyang opisyal ng DepEd at PS-DBM, pinakakasuhan ng Senate Blue Ribbon Committee

Pinakakasuhan ng Blue Ribbon Committee ang mga dati at kasalukuyang opisyal ng Department of Education (DepEd) at Procurement Service ng Department of Budget and Management (PS-DBM) na sangkot sa P2.4 billion overpriced laptop controversy.

Sa 197 pahinang committee report ng Blue Ribbon, inirekomenda na sampahan ng kasong administratibo at criminal ang mga sumusunod:

1 count ng paglabag sa Section 3 (E) at Sec 3 (G) ng Republic Act 3019 o Anti-Graft and Corrupt Practices Act laban kina dating DepEd Usec. Alain del Pascua, Usec. Analyn Sevilla, dating Asec. Salvador Malana III, Dir. Abram Abanil, dating PS-DBM OIC Dir. Lloyd Christopher Lao, dating PS-DBM Acting Dir. Jasonmer Uayan, BAC Chairman Ulysses Mora, at iba pang myembro ng SBAC 1 and SBAC TWG secretariat at staff.


1 count ng falsification of public documents at 1 count ng paglabag sa Section 3 (A) ng Anti-Graft and Corrupt Practices Act laban kina Usec. Sevilla at dating Executive Asst. Alec Ladanga.

Samantala, sa pagtatanong naman kung may legal liability si dating Education Sec. Leonor Briones sa isyu, sinabi ni Blue Ribbon Committee Chairman Francis Tolentino na walang ebidensya at sa ibang salita ay nagamit lamang ang dating kalihim dito.

Facebook Comments