Mga dating kalihim ng DOJ, posibleng ipatawag sa pagdinig ng Senado ukol sa GCTA Law

Posibleng ipatawag sa pagdinig ng senate blue ribbon committee kaugnay sa kontrobersyal na implementasyon ng Good Conduct Time Allowance (GCTA) ang mga dating kalihim ng Department of Justice na sina Sen. Leila De Lima at Vitaliano Aguirre.

Ayon kay Committee Chairperson, Sen. Richard Gordon, nais nilang ipatawag ang dalawang dating DOJ Secretary upang magpaliwanag tungkol sa aplikasyon ng GCTA Law na nagsiwalat ng malawakang korapsyon sa Bureau of Corrections (BuCor).

Bagamat napagpasyahan na ng Komite na imbitahan si Aguirre, pinag-uusapan pa rin kung pagtetestiguhin si de lima.


Anuman ang magiging desisyon ng senado, ito’y sa ngalan ng katarungan at katotohanan.

Facebook Comments