Benito Soliven, Isabela – Kung dati-rati’ty droga, manibela na ngayon ang hahawakan ng mga dating lulong sa ipinagbabawal na gamot sa Benito, Soliven, Isabela.
Sa impormasyong nakalap ng RMN Cauayan News Team, magkatuwang na isinusulong ngayon ng PNP Benito Soliven, TESDA, at LGU Benito Soliven, ang pagsasailalim sa mga tokhang responders sa pag-aaral ng pagmamaneho.
Labing limang araw na sasailalim ang labing isang katao, na pawang mga drug surrenderer, sa driving lecture at actual test upang ganap na matutunan ang tama at ligtas na pagmamaneho.
Layunin din ng programa na matulungan ang mga tokhang responders na makaiwas sa mga ipinagbabawal na gamot upang tuluy-tuloy na silang makapagbago.
Umaasa naman ang tatlong ahensyang nabanggit na magiging tagumpay ang naturang programa.