Inalok ni Senator Imee Marcos ng total amnesty ang mga rebeldeng makakaliwa at makakanan na naglunsad noon ng kudeta laban sa administrasyong Marcos.
Kaugnay na rin ito sa ginawang paghingi ng paumanhin sa kanya ng mga dating kasapi ng Communist Party of the Philippines- New People’s Army-National Democratic Front (CPP-NPA-NDF) na isinabay sa ika-50 taong paggunita ng deklarasyon ng Martial Law kahapon.
Ayon kay Marcos, ginawa niya ang pagbibigay ng total amnesty sa mga ito dahil matagal na niyang gustong makawala sa panahon na ang kanilang pangalan ay pilit umanong sinisira ng salitang Martial Law.
Hindi pa man din ito natatalakay ng senadora sa kanyang kapatid na si Pangulong Ferdinand Marcos Jr., na ngayon ay nasa Estado Unidos.
Pero kumpiyansa ang senadora na makukumbinsi niya si PBBM sa pagkakaloob ng total amnesty sa mga dating nag-aklas laban sa kanilang pamilya dahil kahit noong buhay pa ang kanyang ama na si dating Pangulong Ferdinand Marcos Sr., ay nagbigay rin ito noon ng amnestiya.