Mga dating miyembro ng gabinete ng Aquino administration, inilarawan si PNoy bilang “strict boss”

“He was a strict boss.”

Ganito inilarawan ni Iloilo 1st District Rep. Janette Garin si dating Pangulong Benigno “Noynoy” Aquino III.

Si Garin ay nagsilbing kalihim ng Department of Health sa ilalim ng administrasyong Aquino.


Sa interview ng RMN Manila, sinabi ni Garin na ayaw na ayaw ni PNoy na mayroong nagkakamali sa kanyang gabinete lalo na kung magreresulta ito ng pagkamatay maski ng iisang Pilipino.

Samantala, hindi lingid sa kaalaman ni garin na mayroong sakit si PNoy pero ikinagulat niya ang biglaang pagpanaw ng dating Pangulo.

Katunayan aniya, inihahada pa ito para sa isang renal transplant.

Ayon kay Garin, ang sariling karamdaman din ang naging inspirasyon ni PNoy para masigasig na isulong ang mga adbokasiyang magpapadama sa bawat pamilyang Pilipino ng “health equity.”

Sabi naman ni dating Presidential Communications Operations Office (PCOO) Secretary Herminio “Sonny” Coloma Jr., si PNoy ay isang hands-on na pangulo at napatunayan niya ito sa maraming pagkakataon lalo na noong 2013.

Sa taong ito, sunud-sunod ang naging hamon sa administrasyong Aquino dahil sa pagsiklab ng Zamboanga siege, pagtama ng magnitude 7.2 na lindol sa Bohol at bagyong Yolanda.

Kwento pa ni Coloma, maging siya ay hindi nakaligtas sa sermon ni Pnoy na inilarawan din niya bilang simpleng tao behind-the-scene.

Facebook Comments