Mga dating namuno sa DOH sa ilalim ng mga nakaraang administrasyon, isinisi ng isang kongresista sa 11-bilyong pisong expired na mga bakuna at gamot

Dismayado si House Deputy Majority Leader at Iloilo 1st District Rep. Janette Garin sa natuklasan ng Commission on Audit (COA) na 11-bilyong piso na halaga ng expired na mga gamot at iba pang medical supply kasama ang mahigit 7-milyong vials ng bakuna.

Para kay Garin, ang dapat sisihin dito ay ang mahinang liderato ng mga naunang pinuno ng Department of Health (DOH) sa ilalim ng mga nagdaang administrasyon.

Ayon kay Garin na dati ring Health Secretary, ang program director ng DOH ang dapat tumutok at magtiyak na maipagagamit ang mga binibiling bakuna at gamot kung saan ang program director na papalpak dito ay dapat agad sibakin.


Dagdag pa ni Garin, dapat ay may pananagutan din ang implementing department ng DOH at ang nakatalaga sa mga warehouse na siyang nagsasagawa ng imbentaryo ng mga gamot, bakuna, at medical supply.

Ipinunto ni Garin na ang daming namamatay sa iba’t ibang sakit na maaaring mapigilan ng bakuna na iyon pala ay nakatambak lang at hinahayaang ma-expire.

Facebook Comments