MGA DATING NPA NA NAG-AARAL NG ALS AT MGA ANAK, BINIGYAN NG GAMIT PANG-ESKUWELA

Cauayan City, Isabela- Tumanggap ng mga kagamitang pang-edukasyon ang mga nag-aaral ng Alternative Learning System o ALS maging ang kanilang mga anak sa tulong ng Armed Forces and Police Saving and Loan Association Inc. o AFPSLAI.

Sa kauna-unahang pagbisita ng Branch Manager ng AFPSLAI na si Ginang Joyce Valiente ng Upi, Gamu, Isabela, layon ng naturang ahensya na makapagbigay ng tulong gaya na lamang ng feeding program, dental and medical mission at maging ang pagbibigay ng makabagong kagamitang pang opisina sa himpilan ng 95th Infantry ‘Salaknib’ Batallion.

Laking pasasalamat naman ni LTC Lemuel A. Baduya, Commanding Officer ng nasabing yunit dahil sa tulong ng AFPSLAI sa mga dating rebelde maging ang kanilang mga anak gayundin sa mga kasundaluhan ng 95th IB.


Inaasahan ng nasabing ahensya na buo ang suporta ng kasundaluhan sa anumang kanilang isasangguni o isasagawang mga proyekto para maiangat ang antas ng kabuhayan ng mga mamamayan ng San Mariano, Isabela.

Facebook Comments