Mga dating NPA sa South Cotabato, binigyan ng tulong ng DSWD sa gitna ng pandemya

Tuloy-tuloy ang pagkakaloob ng tulong pinansyal ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) sa mga rebel returnee upang makapagsimula ng panibagong buhay.

Mahigit isang daang dating rebeldeng komunista ang pinagkalooban ng DSWD ng tulong sa South Cotabato.

Ito ay bahagi ng kampanya ng gobyerno na suportahan ang mga nagbabalik loob na rebelde sa pamahalaan upang matuldukan na ang kaguluhan sa rehiyon.


Ayon kay DSWD Regional Director Cezario Joel Espejo, may 139 rebels returnees sa Upper Sepaka Village, South Cotabato ang inabutan ng tig-₱3,000 cash assistance at family food packs.

Ang nasabing ayuda ay ipinagkaloob sa ilalim ng Assistance to Individuals in Crisis Situation ng DSWD.

May nauna nang 14 na rebel returnees sa General Santos City ang nabigyan din ng kahalintulad na benepisyo.

Facebook Comments