Maaaring makinabang ang mga dating Pilipino at banyagang Philippine Offshore Gaming Operators (POGO) worker na biktima ng trafficking sa programa ng Department of Social Welfare and Development Recovery and Reintegration Program for Trafficked Persons (RRPTP).
Binigyang-diin ito ni Senador Imee Marcos sa pagdinig para sa 2025 budget proposal matapos matanong ni Senador Risa Hontiveros sa magiging aksyon ng gobyerno sa mga trafficked person gaya ng mga manggagawa sa POGO.
Aniya, ang RRPTP ay umiiral na programa ng nasabing ahensya para sa mga trafficked person upang tugunan ang kanilang pangangailangang serbisyo, psychosocial, social, at economics.
Ang RRPTP ay isang komprehensibong programa ng ahensya na tumutugon sa epektibong recovery at reintegration ng mga biktima ng trafficking.