Mga Dating Rebelde, Hinikayat ang mga Kasamahan na Sumuko

*Cauayan City, Isabela- *Hinihimok ng mga dating rebelde na nasa kustodiya ng 95th Infantry Battalion ang mga kasamahan na nasa loob pa ng kilusan na bumaba at magbalik-loob na sa gobyerno.

Isinabay ang kanilang panawagan sa ika-52 taon na anibersaryo ng New People’s Army (NPA) kahapon, Maso 29, 2021.

Ayon sa panawagan ni Ka Ever/Barbie, dating medical officer ng NPA at sampung taong nasa loob ng kilusan, hinihikayat nito ang mga natitira pang miyembro na bumaba na dahil wala rin umanong patutunguhan ang kanilang ipinaglalaban at huwag magbulagbulagan sa mga nangyayari sa loob ng organisasyon ng CPP-NPA-NDF.


Panawagan pa nito sa mga dating kasamahan na huwag sana aniyang hayaan na gamitin sila sa pagsasagawa ng taktikal na opensiba laban sa gobyerno bagkus ay sumuko na lamang upang makapiling na rin ang mga mahal sa buhay.

Sa mensahe naman ni BGen Laurence E. Mina, Commander ng 5th Infantry Division, Philippine Army, kanyang sinabi na ang anibersaryo ng NPA ay paalala lamang umano sa 52 taon na pahirap sa bayan, panlilinlang at pang-aabuso sa mamamayan.

Tinukoy din niyo ang mga sumusuporta sa teroristang NPA na piliin ang tunay na kaunlaran at makatotohanang kapayapaan.

Para sa mga nalalabi pang miyembro ng NPA, muling hinihikayat ng Kumander na ibaba na ang mga armas at makiisa sa layunin na makamit ang tunay na kapayapaan at kaunlaran ng bansa.

Facebook Comments