Mga Dating Rebelde, Nagtapos na sa Kanilang Salted Egg Training

17

Cauayan City, Isabela- Nagtapos na sa Herbed Salted Egg Training ang 18 na mga dating rebelde na kasalukuyang nasa pangangalaga ng 86th Infantry Battalion sa bayan ng Jones, Isabela.

Ang nasabing pagsasanay na isinagawa ng Department of Science and Technology Isabela (DOST-Isabela) ay dagdag kaalaman at paghahanda ng mga nasabing former rebels para sa kanilang pangkabuhayan na ipinagkaloob ng pamahalaan sa kanila.


Ipinagkaloob din ng DOST-Isabela sa mga nagtapos ang sampung (10) piraso ng Portable Solar Drying Tray at iba pang mga ayuda na kanilang magagamit para sa pang araw-araw nilang pamumuhay.

Layunin ng nasabing ahensya na matulungang makapaghanda sa paghahanap-buhay ang mga rebeldeng nagbalik-loob sa pamahalaan sa tulong na rin ng bagong tuklas na kagamitan.

Kaugnay nito, taos pusong nagpapasalamat si LTC Ali A Alejo, Commanding Officer ng 86IB sa walang humpay na suporta ng DOST Isabela para sa hanapbuhay at pagbabagong buhay muli ng mga dating NPA.

Facebook Comments