CAUAYAN CITY – Sa pagtutulungan ng Cagayan Police Provincial Office (CPPO) at Pamahalaang Panlalawigan ng Cagayan, tatlong (3) dating rebelde ang nabigyan ng tulong pinansyal kung saan ang bawat isa ay nakatanggap ng P40,000.
Sa mensahe ni Police Colonel Mardito Anguluan, Provincial Director ng CPPO, nagpaabot ito ng pasasalamat sa pamahalaan ng Cagayan, sa pamumuno ni Governor Manuel Mamba, sa patuloy na suporta at pakikipagtulungan para sa mas maayos at mapayapang komunidad.
Binigyang diin rin nito na ang natanggap na tulong ay magiging simula ng bagong buhay para sa mga former rebels at inihayag ang patuloy na pagsuporta sa mga ito.
Kaugnay nito, hinikayat nina Governor Mamba at Police Colonel Anguluan ang iba pang miyembro ng armadong grupo na sumuko at piliin ang kapayapaan at maayos na buhay.