Mga dating rebelde, prayoridad mabigyang pagsasanay ng TESDA

Manila, Philippines – Target ngayon ng Technical Education and Skills Development Authority o TESDA na magbigay ng karagdagang training para sa mga dating rebelde.

Ayon kay TESDA Director General Isidro Lapeña, layon nitong mapalakas ang mga capacity-building programs ng gobyerno.

Partikular na tututukan ng TESDA ang mga rebelde na sumuko mula sa Batangas, Bohol at Masbate.


Ayon kay TESDA Deputy Director General Gaspar Gayona, asahan na ang mas maraming ayuda para sa mga dating rebelde ngayong kasama ang ahensya sa National Task Force to End Local Communist Armed Conflict (NTF-ELCAC).

Kaugnay nito, 100 dating rebelde at kanilang mga dependents ang nakatakdang sumailalim sa serye ng training program sa Bohol simula March 11.

Batay sa datos ng TESDA, umabot sa kabuuang 972 sumukong rebelde 2018.

Facebook Comments