Mga dating rebelde sa Bukidnon, napapakinabangan na ang isang farming project ng DA

Nagiging produktibo na ang mga dating rebelde matapos pasukin na rin ang larangan ng agri-business.

Nasa 20 dating rebelde sa Bukidnon ang nag-o-operate na ngayon ng adlay farming, production and processing.

Isa itong tropical plant na namumunga ng tear-shaped grains na may kalakihan ang butil kumpara sa mais at palay.


Ito’y sikat na ginagamit sa pagda-diet dahil may anti-inflammatory properties ito na mainam sa mga may sakit na diabetes.

Dahil sa tumataas na demand, naglaan na ng P10 million ang Department of Agriculture (DA) para pondohan ang adlay research at suportahan ang produksyon nito.

Bahagi ito ng suporta ng gobyerno sa mga dating rebelde na nagbalik-loob na sa pamahalaan alinsunod sa whole-of-nation approach to End Local Communist Armed Conflict (ELCAC).

Bukod dito, pinagkalooban na rin sila ng housing units ng NHA at P4.8 million halaga ng financial assistance.

Facebook Comments