Mga Dating Rebelde sa San Mariano, Isabela, Natulungan sa Project ‘SUBLI’ ng 1st IPMFC

Cauayan City, Isabela- Muling nagpaabot ng tulong-pangkabuhayan ang kapulisan ng 1st Isabela Provincial Mobile Force Company (IPMFC) sa pamumuno ni PLTCol Jeffrey D Raposas, Force Commander sa mga dating rebelde sa Sitio Udiao Brgy. Daragutan West, San Mariano, Isabela.

Ito ay sa pamamagitan ng proyektong pinamagatang Project SUBLI (Sarili mo’y Uusad pangkaBuhayang Laan na aming Igagawad), na layong matulungan ang mga nagbalik-loob sa ating gobyerno.

Ang Project SUBLI ay isang proyekto ng PNP Isabela na nagbibigay ng pang habang buhay na pangkabuhayan para sa mga former rebels sa Lalawigan.


Lubos naman ang pasasalamat ng mga benepisyaryo sa buong hanay ng kapulisan at sa iba’t ibang ahensya sa kanilang natanggap na tulong pangkabuhayan tulad ng Duck Egg Production.

Ang nasabing proyekto ay patuloy na isinasagawa ng kapulisan ng 1st IPMFC sa mga piling bayan sa probinsya bilang bahagi sa Lingkod Bayanihan Program ng Police Regional Office (PRO) 2 at ng Project S.A.G.I.P (Sustaining our Advocacy to Grind Insurgency in the Province) ng Isabela PPO.

Facebook Comments