Mga dating sundalo na may special skills, babantayan ng Philippine Army

Bubuo ang Philippine Army ng isang dedicated counter-intelligence unit na siyang mag mo-monitor sa mga dating sundalo na mayruong special skills.

Ayon kay Phil. Army Spokesperson Col. Xerxes Trinidad ang itatatag na counter-Intelligence unit ay makikipagsanib pwersa sa Philippine National Police (PNP) upang masiguro na ang mga dating sundalo ay hindi masasangkot sa krimen.

Ayon kay Trinidad, may listahan na ang Phil. Army ng lahat ng kanilang tauhan na may special skills at mahalagang masubaybayan ang mga aktibidad ng mga ito partikular na yung mga na-dismissed sa serbisyo dahil sa panget na track record.


Sa kasalukuyan mayruong Philippine Army Transition Assistance Program na nagbibigay ng counseling, education, training, livelihood, at legal services sa mga nagreretirong mga sundalo.

Pinag-aaralan din aniya ng Philippine Army na isama narin sa programa ang mga na-discharged na sundalo para matulungan sila sa pag-a-adjust sa buhay-sibilyan.

Matatandaang ang mga nahuling suspek sa pagpatay kay Negros Oriental Gov. Roel Degamo ay mga dating sundalo na may ranggong corporal at ang isa dito ay dating Scout Ranger na bihasa sa anti-guerrilla jungle warfare, raids, ambushes, close-quarters combat, urban warfare at sabotage kung saan pinaghihinalaang bahagi ang mga ito ng gun-for-hire group.

Facebook Comments