Inaasikaso na ng Commission on Elections (Comelec) ang pagsasaayos ng mga datos at dokumento na nadamay sa pananalasa ng Bagyong Kristine.
Ilang mga tanggapan kasi ng poll body ang hindi nakaligtas sa malawakang pagbaha noong nakaraang linggo.
Ayon kay Comelec Chairman George Erwin Garcia, nai-report na nila ang mga lugar kung saan nakompromiso ang kanilang mga kagamitan.
Nasa proseso na raw sila ngayon ng pag-reproduce ng mga datos lalo na’t may backup naman sila sa main office.
Samantala, aminado naman ang poll body na pahirapan sa kanila ang pagpapadala ng tulong sa mga kasamahan na nabiktima ng bagyo.
Facebook Comments