Mga datos sa COVID-19, hindi nagpapakita na kailangang ibalik sa MECQ ang Metro Manila ayon kay Roque

Iginiit ng Malacañang na ang mga lumalabas na datos sa COVID-19 ay hindi nagpapakita na kailangang ibalik ang Metro Manila sa Modified Enhanced Community Quarantine (MECQ).

Ito ay matapos aprubahan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang hiling ng medical groups na dalawang linggong ‘time-out.’

Ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque, tinupad lamang ng pamahalaan ang apela ng medical community.


Batay aniya sa mga datos, umaabot sa halos siyam na araw ang case doubling rate o bilang ng araw bago magdoble ang kaso.

Aminado naman si Roque na nananatiling hamon ang critical care capacity.

Una nang sinabi ng Department of Health (DOH), nasa 9.04 days ang case doubling time sa bansa, habang ang mortality doubling time ay nasa 13.14 days, malayo sa target na 30 araw.

Nasa 55% ng Intensive Care Unit beds, 52% ng isolation beds, at 54% ng Ward beds sa buong bansa ang okupado mula nitong August 2 habang 31% ng mechanical ventilators na ang nagagamit.

Facebook Comments