Patuloy na pag-aaralan ng Vaccine Experts Panel (VEP) ang mga datos mula sa ibang bansa ukol sa paggamit ng Sinovac vaccine sa mga senior citizen.
Ang Food and Drug Administration (FDA) ay inaprubahan ang paggamit ng Sinovac vaccine sa mga senior citizen.
Ayon kay VEP head Dr. Nina Gloriani, ang CoronaVac ay mayroong mahusay na safety profile.
Sinisilip na nila ang efficacy data ng bakuna sa iba’t ibang age groups.
Sinabi ni Dr. Gloriani na nakatanggap na sila ng datos mula sa Chile at naglalaman ito ng mga impormasyon sa paggamit ng Sinovac vaccine sa mga taong may edad 70-taong gulang pataas.
Dagdag pa niya, ang Sinovac vaccine ay kayang protektahan ang mga senior citizen laban sa severe case ng COVID-19.
Ang antibodies na nakukuha pagkatapos ng vaccination ay kaparehas mula sa age groups na 18 hanggang 59-taong gulang at sa mga senior citizens.
Gayumpaman, pangamba ng VEP na ang delayed arrival ng mga bakuna ay makakaapekto sa layunin ng pamahalaan na maabot ang herd immunity sa katapusan ng taon.
Magugunitang target ng gobyerno na mabakunahan ang 70 hanggang 80 milyong Pilipino sa katapusan ng 2021.