Mga dawit sa anumalya sa flood control projects, malaki ang tyansang lumabas ng bansa — DOJ

Pipirmahan na ni Justice Secretary Jesus Crispin Remulla ang Immigration Lookout Bulletin Order (ILBO) laban sa mahigit 20 indibidwal na sangkot sa mga kontrobersiyal na flood control projects.

Kasunod na rin ito ng hiling ni Department of Public Works and Highways (DPWH) Secretary Vince Dizon na bantayan ang ilang opisyal ng kagawaran at mga kontratistang dawit sa isyu.

Sabi ni Remulla, malaki kasi ang tyansang tumakas ang mga ito kaya mahalaga na makapaglabas agad ng ILBO.

Kasama sa listahan ng ilalagay sa ILBO ang mag-asawang Curlee at Sarah Discaya at iba pang inimbitahan sa mga nakaraang pagdinig ng Kongreso.

Samantala, sa Sabado pa umano malalaman ni Remulla ang iba pang detalye kaugnay sa lumapit sa kaniyang indibidwal na gustong maging whistleblower sa naturang isyu.

Facebook Comments