Mga dawit sa limang kaso ng maanomalyang flood control projects sa Bulacan, binigyan ng 10 araw para maghain ng counter-affidavit

Natapos na ang unang preliminary investigation na isinagawa sa Department of Justice (DOJ) kaugnay sa limang kaso ng maanomalyang flood control projects sa Bulacan.

Ayon kay DOJ Spokesperson Atty. Polo Martinez, walang nangyaring filing ng counter-affidavit.

Sa halip, kinuha lamang aniya ng mga abogado ng respondents ang kopya ng mga reklamo laban sa kanilang mga kliyente.

Kaugnay nito, itinakda naman sa November 24 ang susunod na Preliminary Investigation kung saan dito na inaasahang ihahain ang mga kontra salaysay.

Kabilang sa mga inirereklamo ang tinaguriang BGC Boys na sina Henry Alcantara, Brice Hernandez at Jaypee Mendoza na mga dating district engineers ng Department of Public Works and Highways (DPWH).

Sinabi naman ni Martinez na target nilang matapos ang pagdinig sa kalagitnaan ng Disyembre kung saan malalaman kung ibabasura ang reklamo o itutuloy sa pagsasama ng kaso.

Facebook Comments