Mga dayuhan, hindi pa rin papayagang pumasok ng Pilipinas; online appointment system, ipatutupad na sa BI Main Office

Nilinaw ng Bureau of Immigration (BI) na bawal pa ring pumasok sa bansa ang mga dayuhan maging ang holders ng Permanent Resident Visas.

Ito ay alinsunod sa travel restrictions na ipinatutupad ng Inter-Agency Task Force on Emerging Infectious Diseases (IATF-EID).

Ang papayagan lamang na pumasok ng Pilipinas ay mga dayuhang crew members ng airlines, Overseas Filipino Workers (OFWs), mga dayuhan na nakapag-asawa ng Pilipino at dependents ng Filipino citizens, gayundin ang mga dayuhang diplomats.


Samantala, inanunsyo rin ng BI na magpapatupad na sila ng online appointment system sa mga kliyenteng may transaksyon sa kanilang main office sa Intramuros, Manila.

Layon nito na maipatupad ang social distancing at para maiwasan ang pagkalat ng COVID-19.

Facebook Comments