Mga dayuhan, pina-alalahanan ng Bureau of Immigration na huwag dadalo sa political activities sa SONA sa Lunes

Pinaalalahanan ng Bureau of Immigration (BI) ang mga dayuhan sa bansa na iwasang dumalo sa political demonstrations kaugnay ng State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Duterte sa Lunes.

Ayon kay Immigration Commissioner Jaime Morente, walang political rights at prebilihiyo ang mga dayuhang bisita sa bansa para lumahok sa political activities sa bansa.

Kailangan aniyang irespeto ng mga banyaga ang umiiral na mga batas ng Pilipinas.


Nagbabala si Morente na maaaring ma-deport at ma-blacklist ang sino mang dayuhan na susuway sa batas at mambabastos sa gobyerno ng Pilipinas.

Facebook Comments