Mga dayuhang doktor na ilegal na nagtatrabaho sa bansa, pinaiimbestigahan

Pinaiimbestigahan ng Department of Health (DOH) ang pagtatrabaho ng mga dayuhang doktror sa ilang ospital na walang kaukulang permit.

Ayon kay DOH Secretary Francisco Duque III – ipinag-utos na niya sa Human Resource for Health Development Bureau na silipin ang isyu.

Sa ilalim ng batas, ang foreign doctors ay hindi maaaring mag-practice sa Pilipinas maliban na lamang kung mayroong reciprocity agreement sa bansang kanilang pinagmulan.


Ibig sabihin, ang mga Pilipinong doktor ay maaaring magtrabaho sa ibang bansa kapalit ng kanilang mga doktor na magtatrabaho sa Pilipinas.

Samantala, iniimbestigahan na ng Bureau of Immigration (BI) ang mga ulat na may sindikatong nasa likod ng employment ng foreign doctors sa bansa.

Facebook Comments