Mga dayuhang dumadating sa bansa, kasama sa sasailalim sa mandatory quarantine

Nilinaw ng Department of Foreign Affairs (DFA) na kasama ang mga dayuhan na dumadating sa Pilipinas sa 14-day mandatory quarantine.

Ayon sa DFA, ito ay base mismo sa ipinalabas na Department Memorandum 2020-0200 ng Department of Health (DOH).

Bukod sa mandatory quarantine, kasama rin ang foreign nationals sa required na sumailalim sa COVID-19 testing.


At kapag nag-negatibo sila sa pagsusuri ay saka lamang sila papayagan na makauwi pagkatapos na makumpleto nila ang 14 na araw na quarantine.

Facebook Comments