Mga dayuhang kompanya, planong gumawa ng bakuna laban sa COVID-19 sa Pilipinas

Inihayag ng Department of Science and Technology (DOST) na mayroon umanong interesadong mga dayuhang kompanya na planong mamuhunan sa pamamagitan ng paggawa ng mga bakuna laban sa COVID-19 sa bansa.

Ayon kay Science and Technology Undersecretary Rowena Guevarra, 8 kumpanya umano ang nagpahayag ng kagustuhan o interes na magtayo ng pasilidad sa paggawa ng bakuna sa Pilipinas.

Una na aniya rito ay anim na kompanya ang unang nagpaabot ng interes na gumawa ng bakuna rito sa bansa.


Paliwanag ni Guevarra na ang isa umano rito ay galing sa bansang South Korea, pero hindi nito pinangalanan ang pangalan ng mga kompanya na nais mamuhunan sa Pilipinas.

Kasama rin sa mga kompanya ang interesado na maging katuwang sa nais ng World Health Organization (WHO) na magtayo ng mga transfer hub para sa teknolohiya ng mRNA na gamit ng Pfizer at Moderna sa mga bakuna.

Facebook Comments