Mga dayuhang manggagawa na may expired visa, pinayuhan ng BI na lumabas na ng Pilipinas

39

Pinaalalahanan ng Bureau of Immigration (BI) ang foreign workers sa bansa kabilang na ang holder ng Subic-Clark working visa na umalis na ng bansa kapag expired na ang kanilang visa.

Sa harap ito ng hindi pagtalima ng ilang dayuhan na umalis ng Pilipinas kahit na paso na ang kanilang visa.

Ayon sa BI, kapag expired na ang visa ng foreign worker at hindi na sila konektado sa kanilang pinapasukang kompanya sa Pilipinas ay dapat lisanin na nila ang bansa.


Gayunman, may ilang dayuhan na kahit na hindi konektado sa kompanyang nag-sponsor sa kanila ay hindi pa rin bumabalik sa kanilang bansa.

Facebook Comments