Mga dayuhang na-stranded sa bansa dahil sa COVID-19 pandemic, hiniling ng isang kongresista na huwag parusahan

Nanawagan ang isang kongresista sa mga kaukulang ahensya ng gobyerno na huwag parusahan ang mga dayuhang stranded sa bansa dahil sa COVID-19 pandemic.

Sa House Resolution 1466 na inihain ni Bohol Rep. Alexie Tutor, binigyang diin nito ang pagiging hospitable at pagbibigay ng compassionate treatment sa mga foreign nationals na hindi basta makaalis ng Pilipinas bunsod ng pandemya.

Partikular na umaapela si Tutor sa Department of Tourism (DOT) at Department of Foreign Affairs (DFA) na tulungan ang mga dayuhang may ‘valid reason’ naman sa matagal na pananatili sa bansa dahil sa global health crisis.


Umaapela ang mambabatas sa Department of Tourism (DOT) at Department of Foreign Affairs (DFA) na manghimasok na sa Department of Justice (DOJ) at Bureau of Immigration (BI) para tulungan ang mga foreign passport holders na may dugong Pilipino, gayundin ang mga foreign tourists, foreign investors, at iba pang foreign nationals na hindi pa makabalik sa kanilang mga bansa bunsod ng community quarantine.

Hiniling ng kongresista sa mga ahensya na huwag ituring na kriminal at i-waive ang mga penalties sa mga dayuhang paso na ang passport at Alien Certificates of Registration (ACR).

Dagdag pa ni Tutor, marami sa mga overstaying na dayuhan sa bansa ang hindi na makapag-renew ng kanilang ACR dahil kulang na rin sa travel funds.

Facebook Comments