Mga dayuhang nailigtas sa ni-raid na POGO site sa Las Piñas, patuloy na isinailalim sa biometric processing

Dumating na ang mga kawani ng Bureau of Immigration sa POGO site na sinalakay ng mga awtoridad nuong isang linggo sa Las Piñas City.

Ayon kay Philippine National Police – Public Information Office (PNP-PIO) Chief Police Brig. Gen. Red Maranan, dahil dito inaasahang mas mapapabilis na ang pagdokumento sa mga dayuhang naligtas sa ni-raid na POGO.

Ani Maranan, ang team mula sa Immigration ang siyang nagsasagawa ngayon ng biometric processing.


Nabatid na nasa 460 pa lamang mula sa 1,239 dayuhang empleyado ng XinChuang Network Technologies ang napproseso ng mga awtoridad.

Kinabibilangan ito ng 140 Indonesian, 643 Chinese, 186 Vietnamese, 136 Malaysian, 83 Thai, 1 Iranian, 2 Pakistani, 2 Yemeni, 1 Cameroon, 1 Somali, 1 Sudanese, 1 Ivorian, 8 Nigerian, 1 Tunisian, 1 Indian, 2 Chad, 1 Arab, 8 Burmese, 17 Taiwanese, at 4 Singaporean.

Una nang iginiit ng kampo ng mga biktima base narin sa kanilang demand letter sa PNP na dapat lisanin na ng mga pulis ang nasabing establishemento gaundin ang pagbabalik ng nasa 124 na safety deposit box na sapilitang tinangay ng mga awtoridad kasama ang pagbabayad sa mga pinsalang dulot nito dahil kung hindi ay magsasampa sila muli ng panibagong kaso.

Facebook Comments