Mga dayuhang nasa Pilipinas, hindi exempted sa ECQ protocols

Nagbabala ang Bureau of Immigration (BI) laban sa mga dayuhang lumalabag sa Enhanced Community Quarantine (ECQ) protocols na pinaiiral ng gobyerno sa gitna ng krisis sa COVID-19.

Kasunod ito ng paglabag sa ECQ measures ng isang kastila sa isang exclusive village sa Makati bukod pa ang mga naarestong Chinese POGO workers sa Parañaque dahil sa paglabag sa curfew.

Giit ni BI Spokesperson Dana Sandoval, hindi exempted sa ECQ ang mga dayuhang nasa Pilipinas.


Aniya, anuman ang status ng isang dayuhan, hindi ito ‘free pass’ para gumawa sila ng kalokohan o bastusin ang batas ng bansa.

Kapag napatunayang may violation ang isang dayuhan, pwedeng-pwede aniyang ipawalang-bisa ang kanyang visa at ipatapon sa kanilang bansa.

Facebook Comments