Mga dayuhang negosyante, suportado ang amyenda sa economic provisions ng Constitution

Pabor ang mga dayuhang negosyante sa pag-alis ng restrictive economic provisions sa ilalim ng Constitution.

Sa pagdinig pa rin ng House Committee on Constitutional Amendments sa economic Charter Change (Cha-Cha), inihayag ni American Chamber of Commerce of the Philippines Senior Adviser John Forbes na napaghuhulihan na ang bansa sa foreign direct investments.

Binanggit pa ng foreign business sector na naungusan na ang ekonomiya ng bansa ng ekonomiya ng Vietnam mula nang luwagan ang kanilang ekonomiya sa mga dayuhang mamumuhunan.


Ipinunto pa ni Forbes na bukod sa mga utilities, negosyo at kompanya ay makikinabang din sa pagtanggal ng economic restrictions ang edukasyon, energy, media, telecommunication, at transportation.

Aniya pa, ang “clamor” o panawagan para dito ay dapat na magmumula sa mga lider ng pribado at pampublikong sektor.

Ito aniya ay upang mas lumakas ang ingay para sa pagpapalawak ng pamumuhunan at paglikha ng trabaho lalo na sa lumalaking populasyon ng Pilipinas at upang mabigyan ng mas magandang kinabukasan at buhay ang mga Pilipino.

Facebook Comments