Mga dayuhang sumusuway sa ECQ protocol, binalaan ng BI

Nagbabala ang Bureau of Immigration (BI) sa pag-aresto at pagpapa-deport sa mga dayuhan na lumalabag sa Enhanced Community Quarantine (ECQ) protocols na pinaiiral ng gobyerno ng pilipinas sa gitna ng krisis ng COVID-19 pandemic.

Ayon kay Immigration Commissioner Jaime Morente, hindi exempted ng batas sa ECQ ang mga dayuhan na nasa Pilipinas.

Partikular na tinukoy ng opisyal ang Section 6 ng Bayanihan to Heal as One Act na nagsasaad na ang sino mang alien offenders ay pananagutin sa batas at ipapatapon sa kanilang bansa.


Ang babala ng BI ay kasunod ng dayuhan sa Makati na sumuway sa ECQ policies.

Bukod pa rito ang mga naarestong Chinese POGO workers sa Parañaque na nahuling lumalabas sa panahon ng curfew at may mga sukbit na baril sa beywang.

Facebook Comments