Nanguna ang mga dayuhang Chinese bilang top violator sa mga ordinansa sa Boracay Island.
Ayon kay Boracay Tourism Regulatory Enforcement Unit Chief Wilson Enriquez, nasa 739 na mga turistang Chinese ang nahuling lumabag sa iba’t-ibang ordinansa simula January 2019.
Kabilang na rito ang anti-smoking, pagkakalat at pagkain sa beach.
Matitigas aniya ang ulo ng mga Chinese sa kabila ng mga paalala ng mga tour guide.
Pangalawa naman sa mga top violator sa Boracay ay ang mga Koreano na may 277 paglabag.
Ipinaalam na ang datos ng mga lokal na tourism officer sa Chinese consul para ipagpatuloy ang istriktong pagtutok sa pagsunod sa mga ordinansa.
Facebook Comments