Mga dayuhang turista mula Amerika at Canada, dumagsa na sa bansa

Nagsimula na ring dumagsa sa bansa ang mga dayuhang turista mula sa Canada at Amerika sakay ng flights ng Philippine Airlines.

Kasabay ito ng unang araw ng pagpapatupad ng “no-facility based quarantine” sa fully vaccinated na foreign travelers.

Unang dumating sa bansa kanina ang PAL flight PR117 mula Canada at sumunod ang flight mula sa Los Angeles, California.


Ngayong gabi, sunod-sunod naman na dadating sa bansa ang flights ng PAL mula San Francisco, California; Osaka, Japan, Tokyo, Narita, Japan; Kuala Lumpur; Singapore at Haneda.

Sa ngayon, ang PAL ay may 33 international flights at 27 domestic flights.

Facebook Comments