Mga dayuhang turista na fully vaccinated, papayagan nang makapasok sa bansa

Inanunsyo ni CabSec. at acting Presidential Spokesperson Karlo Nograles na papayagan nang makapasok sa bansa simula sa December 1 hanggang 15 ang mga dayuhang turista na fully vaccinated.

Gayunman, sinabi ni Nograles na kailangang may return ticket ang dayuhang turista pabalik sa kanilang bansa at ang kanilang pasaporte ay valid ng at least anim na buwan sa kanilang pagdating sa bansa.

Dapat din aniyang nanatili ng labing-apat na araw sa green countries o territories ang foreign tourist na papayagang pumasok sa Pilipinas.


Sinabi ni Nograles na kailangan din nilang magpakita ng katibayan na sila ay fully vaccinated at dapat naaayon ito sa panuntunan ng Inter-Agency Task Force (IATF).

Kabilang dito ang World Health Organization (WHO) International Certificates of Vaccination and Prophylaxis o state digital certificate ng foreign government na tinatanggap ng VAXCERT Philippines.

Kailangan din sumunod ng mga dayuhan sa quarantine protocols ng Pilipinas.

Facebook Comments