Nagbabala ang Bureau of Immigration (BI) sa mga dayuhang vloggers na lumalabag sa mga kondisyon ng kanilang pananatili sa bansa.
Partikular ang foreign vloggers sa Pilipinas na nagbebenta ng mga produkto sa kanilang vlogs.
Ayon sa BI, ang pinahihintulutan lamang ay ang vlogging na naglalaman ng promosyon ng mga magagandang lugar sa Pilipinas at hindi ang pag-eendorso ng mga produkto.
Ang sinuman anilang dayuhang vloggers na mapapatunayang lumalabag sa mga kondisyon ng kanilang pananatili sa Pilipinas ay maaaring maipa-deport at mailagay sa blacklist kung saan tuluyan na silang hindi makakatapak sa bansa.
Una nang naipa-deport at nailagay ng BI sa kanilang blacklist ang ilang dayuhang vloggers matapos na mag-endorso ng mga produkto sa kanilang vlogs.