Mga de-latang karne na ipina-recall ng FDA dahil sa ASF, alamin!

Inilabas ng Food and Drug Administration (FDA) ang listahan ng mga brand ng inangkat na de-latang karne na ipina-recall nila dahil gawa ang mga ito sa mga bansang tinamaan ng African swine fever (ASF).

Ito ay kasunod na rin ng apela ng Philippine Association of Meat Processors Inc. (PAMPI) na pangalanan ang mga brand dahil umano sa posibleng maging epekto sa mga lokal na brand.

Kasama sa mga ipina-recall ng FDA na brand ang mga sumusunod:


  • Narcissus
  • Heaven Temple
  • Ma Ling
  • Shabu Shabu
  • Sol Primo
  • Wang Taste of Korea
  • Highway
  • Sky Dragon
  • Weilin

Matatandaang iniutos ng FDA noong nakaraang linggo sa importers, dealers and distributors na bawiin ang mga pork product sa mga bansang may ASF.

Bagaman hindi peligroso sa tao, maaring ikamatay ng mga baboy ang ASF, isang sakit na nagdudulot ng pagdurugo sa kanilang internal organs na maaaring ikalugi ng pork industry.

Facebook Comments