Mga deboto, maagang pumila para sa pahalik sa Jesus Nazareno sa Quirino Grandstand

Maagang pumila ang ilang mga deboto sa bahagi ng South Drive para sa pahalik ng Jesus Nazareno.

Nabatid na gaganapin ang nasabing aktibidad mamayang alas-7:00 ng gabi sa Quirino Grandstand.

Ilan sa mga nakapila ay kagabi pa nananatili rito at dito na rin sila nagpalipas ng magdamag kung saan handa silang maghintay hanggang mamayang gabi.

Nakahanda naman na rin na ang mismong Grandstand para pahalik at mismong araw ng Traslacion.

Kaungay nito, naka-standby na ang mga tauhan ng lokal na pamahalan ng Maynila, Manila Police District (MPD), Metropolitan Manila Development Authority (MMDA), at mga medical personnel sa mga nakatakdang aktibidad lalo na sa paligid ng Quirino Grandstand.

Ipinagbabawal ang mga illegal vendors sa mga kalsada ng South Rosd at Katigbak Drive kung saan bawal na rin ang mga nakaparadang sasakyan.

Facebook Comments