Walang nakikitang problema ang mga deboto sa inilatag na patakaran at seguridad sa pagpasok sa simbahan ng Quiapo.
Nabatid na humahaba na ang pila ng mga deboto na nais magsimba kung saan ang lahat ay dumadaan sa security screening.
Bukod sa physical frisking, daraan sa detector ang mga deboto habang sa x-ray machine ang mga gamit.
Wala naman nakukumpiskang ipinagbabawal na gamit ang mga awtoridad.
Namigay naman ng face mask ang Plaza Miranda Primary Care Physician (PCP) sa mga deboto bilang pagtalima sa kautusan ng lokal na pamahalaan na magsuot ng facemask ang mga magsisimba.
Sa kasalukuyan, tuloy-tuloy ang pagsasagawa ng misa pero hindi tulad kahapon bahagyang mababa ang bilang ng mga deboto.
Facebook Comments