Mga deboto ng Itim na Nazareno patuloy pa rin ang pagdagsa sa pahalik sa poon, red alert status, itinaas na ng MDRRMO

Tuloy pa rin ang pagdagsa ng mga deboto ng Itim na Nazareno sa taunang pahalik sa poon, isang araw bago ang mismong traslacion.

 

Sa pagtaya ng Manila Police District ngayong alas-kwatro ng hapon, umabot na sa dalawampu’t pitong libong deboto ang dumagsa sa pahalik sa Quirino grandstand.

 

Kaugnay nito, binuksan na kaninang alas-tres ng hapon ng ilang catholic community groups ang programa kung saan nagkaroon ng ilang spiritual talks, youth dance/drama presentation at catechesis.


 

Habang kaninang alas-singko naman, isinagawa na ang panalangin sa takipsilim na ginaganap.

 

Pormal namang uumpisahan ang programa mamayang alas-siyete ng gabi.

 

Samantala, itinaas na ng Manila Disaster And Risk Reduction Management Office (MDRRMO) ang red alert status para sa traslacion 2020.

 

Ayon sa Manila Public Information Office (PIO), itinaas ang alerto bilang paghahanda sa prusisyon sa pista ng Itim na Nazareno.

 

Dahil dito, lahat ng rescue unit at sasakyan ay on-duty na hanggang matapos ang prusisyon.

Facebook Comments