Mga deboto ng Itim na Nazareno, pinayuhang huwag magyapak

Nanawagan ang Quiapo Church sa mga deboto ng Itim na Nazareno na huwag munang magyapak.

Nabatid na bahagi ng taunang tradisyon sa mga deboto na magyapak sa pagdalo ng kapistahan.

Ayon kay Father Douglas Badong, Parochial Vicar ng Quiapo Church, dapat munang iwasan ng mga deboto na pumunta na walang sapin sa paa para maiwasan ang pagkalat ng COVID-19.


Dagdag naman ni Quiapo Church Rector Monsignor Hernando Coronel, hindi sila papayagang magyapak dahil wala namang andas at walang prusisyong magaganap.

Ang Quiapo Church ay magsasagawa lamang ng misa simula sa alas-4:30 ng umaga hanggang alas-12:00 ng madaling araw.

Ang mga dadalo ng misa ay kailangang magsuot ng face masks, face shields at magdala ng alcohol.

Facebook Comments