Mga deboto ng Itim na Nazareno sa Davao, naghahanda na para sa Traslacion

Davao – Naghahanda na ang mga deboto ng Itim na Nazareno dito sa Davao City.

Nagpalabas ng anunsyo ang Devotees of the Black Nazarene kung saan iniimbitahan nila ang lahat ng deboto na makisali sa kanilang selebrasyon sa 10th year Fiesta of Black Nazarene Gkk chapel, sa New lanzona village, matina dito sa Davao ngayong Miyerkules, Enero 9, 2019.

Isasagawa ang Trasalacion sa nasabing araw, alas 4:30 ng umaga kung saan magsisimula ito sa Black Nazarene chapel at papunta sa Matina Crossing at babalik sa BNC chapel.


Dagdag nito, may fiesta mass na gagawin pagkatapos ng procession pagdating ng alas 6:30 ng umaga at alas 5:30 ng hapon naman isasagawa ang ikalawang misa.

Facebook Comments