Mga deboto ng Our Lady of Perpetual Help, dumagsa ngayong araw sa Baclaran

Tuloy-tuloy ang pagdagsa ng mga deboto ng Our Lady of Perpetual Help sa Baclaran ngayong araw.

Simula pa kaninang alas-5:30 ng umaga, dinagsa na ng mga deboto ng Mahal na Birheng Maria sa kabila ng marami pa rin ang tinatamaan ng nakamamatay na virus.

Ayon sa gwardiya ng Baclaran Church, pinapayagan naman nilang pumasok ang gustong dumalo sa banal na misa basta’t sumunod lang sa 10 percent na capacity sa loob ng simbahan upang maiwasan na mahawaan ang isa’t isa na nananalangin.


Mahigpit namang pinaalalahanan ng Parañaque City Police ang mga deboto na sumunod sa social distancing dahil paulit-ulit umano nilang sinasaway ang ilang mga matitigas ang ulo na hindi tumatalima sa ipinatutupad ng Inter-Agency Task Force na social distancing.

Facebook Comments