Manila, Philippines – Dagsa na sa Quiapo church ang mga deboto ng poong itim na Nazareno ilang araw bago ang traslacion sa enero a-nuebe.
Bukas, isasagawa ang prusisyon ng mga replica ng poong Nazareno mula luneta hanggang Quiapo.
Dahil dito, hindi na muna pwedeng magtinda sa paligid ng simbahan ang mga vendor para mapaluwag ang lugar.
Nakahanda na rin ang segment commander ng PNP sa bawat area na dadaanan ng Traslacion.
Sila ang magbabantay sa mga CCTV camera sa lugar, ang deployment ng PNP personnel maging ang kanilang hakbang sakaling may mangyaring aberya sa Traslacion.
Iuulat din ng segment commanders ang kanilang assessment at lebel ng kahandaan kay National Capital Region Police Office (NCRPO) Chief Director Guillermo Eleazar.
Facebook Comments