Mga deboto ng Poong Nazareno, patuloy ang pagdagsa sa Luneta para sa pahalik

Manila, Philippines – Walang humpay ang pagdating ng mga deboto ng Poong Nazareno na galing pa sa iba’t-ibang lalawigan at lungsod kung saan simula pa kagabi ay nagsimula na ang pagpila ng mga deboto para sa pahalik.

Ayon kay MPD District Director Senior Superintendent Vicente Danao Jr., nagmimisa pa lamang kagabi ay nagsimula nang pumila ang mga mananampalataya ng Poong Nazareno upang makahalik.

Paliwanag ni Danao upang hindi mahirapan ang mga magsisipagpuntahan ay may tatlong pila na, ibinukod ang mga senior citizen at mga buntis na prayoridad para makahalik sa Poong Itim na Nazareno.


Dagdag pa ni Danao, umaabot na sa mahigit limanlibong katao ang nasa loob ng Quirino Grandstand upang pumila at makahalik sa Poong Itim na Nazareno sa paniwalang gagaling ang kani-kanilang karamdaman at dinggin ang kanilang mga kahilingan.

Facebook Comments