Tuloy ang pagsisimba ng mga deboto ng Ina ng Laging Saklolo sa National Shrine of our Mother of Perpetual Help o mas kilala sa tawag na Baclaran Church sa lungsod ng Paranaque.
Ito’y sa kabila ng ipinagbabawal pa rin ang pakikinig ng live mass.
Kapansin-pansin din na kakaunti lang ang pumapasok sa simbahan.
Limitado pa rin ito sa personal prayers o pagdarasal.
Nananatiling off limits sa publiko ang nobena at misa.
Bago magsimula ang misa ay pinalalabas ang lahat dahil ipinagbabawal pa rin ng Inter-Agency Task Force (IATF) ang religious gathering sa gitna ng pagpapatuloy ng Modified Enhanced Community Quarantine (MECQ) hanggang ika-31 ng Setyembre.
Sa iskedyul na inilabas ng Baclaran Church, ngayong Miyerkules, may novena mass online ng alas-5:30 ng madaling araw, alas-9:30 ng umaga, alas-3:00 at alas-5:00 ng hapon.
Online rin ang Sunday masses na alas-6:30 at alas-9:30 ng umaga at alas-2:30 at alas-5:30 ng hapon.
Mahigpit namang ipinatutupad ang minimum public health standards sa simbahan, kung saan required ang face mask at face shield, at mahigpit din na ipinatutupad ang physical distancing.