Mga deboto, patuloy na dumadagsa sa Quirino Grandstand para sa pahalik sa Itim na Nazareno

Manila, Philippines – Nagsimula nang dumagsa sa Quirino Grandstand sa Maynila ang mga deboto para sa tradisyunal na “pahalik” sa Poong Itim na Nazareno.

Hindi gaya noong mga nakaraang taon, mas maagang ginawa ang pahalik ngayon na nagsimula alas sais pa lang kagabi.

Alas tres ng hapon sana bukas (January 8) ang orihinal na schedule para sa nasabing aktibidad.


Layon umano nito na maiwasan ang siksikan at stampede.

Samantala, naka-code white alert na rin ang lahat ng ospital sa Metro Manila para sa Traslacion.

Ayon sa Department of Health, handa na ang kanilang 20 medical teams na ipapakalat sa kabuuan ng prusisyon gayundin ang kanilang mga ambulansya.

Tatagal ang code white alert hanggang sa Biyernes, January 10.

Umapela naman ang Ecowaste Coalition sa mga deboto na gawing “trashless” ang Traslacion sa Huwebes.

Facebook Comments