Nakiisa ang mga deboto sa Sual sa pagdiriwang ng Patronal Fiesta ng Señor Jesus Nazareno na ginanap sa Barangay Paitan East Chapel, na dinaluhan ng mga residente bilang pagpapakita ng pananampalataya at pagkakaisa.
Isinagawa ang selebrasyon sa pamamagitan ng mga panalangin at sama-samang pagtitipon ng mga deboto mula sa barangay at mga karatig-lugar.
Dumalo rin ang kinatawan ng lokal na pamahalaan at nagbigay ng munting tulong sa mga kalahok.
Ayon sa mga dumalo, nagsilbing pagkakataon ang patronal fiesta upang mapalalim ang debosyon sa Poon at mapatatag ang ugnayan ng mga residente sa barangay.
Facebook Comments










